Tuesday, August 26, 2008
Reflection
Jesus Study: Review
What if nandoon ka sa time ni Jesus? Maniniwala ka kaya kung Siya na mismo ang nagsasabi sa iyo? Susunod ka kaya agad gaya ng mga 1st disciples Niya?
Ako hindi ko alam. Feeling ko, magdodoubt ako. Nagkaroon ng time sa buhay ko na pakiramdam ko, kahit anong sabihin sa akin, sumusunod ako agad. Naging super gullible ako at hindi ako marunong humindi sa mga hinihinging pabor ng mga tao. Nagsikap ako na baguhin an pagka-uto-uto ko. But did I change for the better?
Naging mas selfish ako, pero sabi naman ni Mommy tama lang na magtira ka parin ng pagmamahal para sa sarili mo. Sabagay, how can you give something that you don't have? Pakiramdam ko madalas akong naaabuso noon (in a way na dependent na sila sa akin masyado - sa mga material things) At unti-unti akong nag doubt sa friendships na naistablish ko noon. Parang 'friend' nalang ako kasi maluwag ako sa pera, nanlilibre ako and everything. Nalilito tuloy ako kung sino ang tunay na kaibigan.
Yun nga lang, downside din ang pagiging doubtful. Ngayon na nabuksan na ang isip ko na "The world is not as innocent as it seems" at madami nang mga tao ang nagiging "USER-friendly", I can't help but doubt everyone. Hindi na ako madaling naniniwala.
Ngayon habang nagbi-bible study, nung unang mga meetings hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga sinasabi ng handlers ko kasi feeling ko may ulterior motives sila (gaya ng pagpapasali sa akin sa church nila, etc) Ngayon chine-check ko na ang mga ine-xplain nila through the bible pero ang sobrang sama, minsan pati sa BIBLE nagdo-doubt na ako. Ang sama di ba? grabe sorry po talaga Lord. Sana matulungan Nyo po ako na panatilihin ang aking paniniwala sa credibilidad ng Bible.
Napatunayan ko na din na tama ang hinala ko, gusto nga nila ako maging part nung church pero hindi sa masamang paraan. Gusto nila na tumibay pa ang faith ko kay Jesus, at yun din naman ang gusto ko. Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin nina Mommy at Daddy pero sana makuha ko na ang courage na makipag-usap sa kanila tungkol dito soon.
Ayun. Lord sana po matulungan Ninyo ako na patuloy na maging isang believer. Sana po ma-gain ko po ang trust Ninyo at mag-tiwala din po ako sa Inyo ng ganun ka bongga. Sana po ma-differentiate ko ang mga taong user-friendly at maka-iwas po ako sa kanila- better yet, sana matulungan ko po silang magbago. Lord, lahat po ng blessings ay itinataas po namin ulit sa Inyo. Maraming maraming salamat pong muli. Amen.
wishing;
8:02 AM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.