Sunday, August 17, 2008
yay! sa wakas long weekend na. Sinisimulan ko na sulitin ito. nyahahah! kasi may mga appointments din na dapat puntahan kaya dapat enjoy every moment. yeah!
Anyways, ang reflection ko para sa araw na ito ay yung super na nakaka-aliw na Gospel kanina. Tungkol yun sa mga bata na gustong lumapit kay Jesus pero itinataboy ng mga disciples kasi makukulit. ^^ pero sabi ni Jesus "let them come to me, do not forbid them. For the Kingdom of Heaven is open for such as these" or something like that.
Ibinida ni Father Arre yung "Are you smarter than a 5th grader?" kasi humiliating daw para sa mga matatanda na aminin na 'better' ang mga musmos kaysa sa kanila. Oo nga naman, supposedly habang tumatanda ka, you get wiser. Maraming bagay tungkol sa mundo ang natutuklasan mo. Pero, sa kabila ng lahat ng kaalaman at responsibilidad, Jesus wants us to retain the child-like innocence that allows us to set away our pride and call out to Him.
Sa dami ng iniisip natin, karaniwan ay nai-sasantabi natin ang ating pakikipag-ugnayan sa Kanya. Aminado ako na isa ako sa mga taong ganun. Everyday, naaalala ko na kailangan kong magbasa ng Bible pero dahil na din sa time mismanagement, cri-na-cramm ko ang pagbabasa ng ibang libro at hinuhuli sa priorities ko ang Bible.
Ngayon pa naman, nasa state of confusion ako. Nasa verification stage din ako. Ayokong maniwala nalang bigla bigla at magpa-dalus-dalos sa mga desisyon sa buhay na malamang ay makaka-apekto sa direction na tatahakin ko. Ayokong magsisi, lalo na sa usaping pang-ispiritual. Alam kong urgent ang desisyon sa pagsunod kay Jesus at buo na ang isip ko na sumunod sa Kanya. pero (ayan na ang mahiwagang pero) sino ba talaga ang mga 'false prophets'? Anong religion ba ang tunay na sinasalamin ang laman ng Bibliya? (haha. na-off topic nanaman ako)
Anyways, nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap ko. Ang dami nun infairness. =) at sana masuklian ko yun sa pamamagitan ng pagsisikap na hindi maging makasalanan sa bawat sandaling ipinagkaloob Niya. Hindi po ako karapat-dapat sa grace at forgiveness Ninyo. Kaya kung saan man po ako mapadpad, sana ang lahat ay maipatupad ayon sa Inyong kalooban. Amen =)
wishing;
12:11 AM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.