Tuesday, August 26, 2008
After 10 years, I brought up the issue of conversion. Sinabi ko kay mommy "Ma, magagalit ka ba pag nagpa-convert ako?"
Usually kapag may tanong ako regarding sa galit ni mami sasabihin niya lang "ok lang yung anak, no problem"
Ito yung 1st time na narinig kong tuwiran niyang sinabi na "oo"
Yes I have decided to follow God, to follow Jesus but am I really ready to "let go of the old wineskin"?
I know I cannot please everybody with the desicions I make but one of my most precious priorities in life is to make my mother and father proud and happy of what I have become. I'd like to make desicions for myself but in the process I try to do it in a way that conflict would be brought to a minimum.
Lost na talaga ako. Last week sa church study I was decided not to wander away from the mainstream. Tapos sabi ni Ate Mabeth, "Our prayers are genuine but we can be genuinely wrong" At sinabi nga niya ang teachings ng Catholic chruch na umano'y hindi based sa Bible (hindi ko pa naman napapatunayan).
Bakit nga ba ako nag Bible study?
Gusto ko kasi mapagtibay ang relationship ko with God at gusto ko ng drive na pag-aralan ang Bible. Kasi on my own, madami akong hindi naiintindihan, madami akong na-mimiss-interpret. I thought the goal was to make me a better person, which I think I am starting to work on. May mga changes naman na ako mismo ang nakakapansin tungkol sa sarili ko. Mas mabuti ang anger management ko, mas masipag ako mag-aral (though mas malaking impluwensya dito ang humihirap na subjects), mas giving ako sa family ko at mas nagbabasa na ako ng Bible.
Pero ngayon, nakakalungkot man isipin, hindi ko alam kung magsisisi akong nag-agree ako mag Bible study. I am now pressured to form a conclusion to decide on something that is waaaaaaay out of my comfort zone. Gaya nga ng sabi ko dati, gullible ako at hindi ko naman kayang tanggalin yun sa akin ng buong buo. I want to know what others think, I want to see both sides of the coin. Oo, I want to play safe kasi never pa ako humiwalay ng paniniwala sa family ko. At saka feeling ko, I need to listen to what the Catholic church would have to say about these issues.
I know that there is an urgency in making up my mind to follow Jesus and I certainly have decided on doing so. Hindi ko nga lang alam yung "true church of God" o kung kanino ako dapat sumama so that I can change for the better. Ayoko mag-give in dahil lang sa pressure and I always think that I work better under pressure. At sana nga ang kalalabasan ko ay dyamante at hindi abo.
Lord, we praise and glorify Your Name. Thank You for all the blessings You have given us. Thank You for the people who have become part of my life, those who have given me the chance to know You better. Lord I pray for wise judgement, I hope to find the way that leads to You. Sana po mabigyan Ninyo po ako ng sign. Isang hudyat na magtuturo po sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko po talaga kaya magdesisyon ng ako lang. Kailangan ko po Kayo at gusto ko pong Kayo ang maging sentro ng aking buhay. Salamat po sa lahat ng biyaya, Panginoon. Amen.
wishing;
8:04 AM
Reflection
Jesus Study: Review
What if nandoon ka sa time ni Jesus? Maniniwala ka kaya kung Siya na mismo ang nagsasabi sa iyo? Susunod ka kaya agad gaya ng mga 1st disciples Niya?
Ako hindi ko alam. Feeling ko, magdodoubt ako. Nagkaroon ng time sa buhay ko na pakiramdam ko, kahit anong sabihin sa akin, sumusunod ako agad. Naging super gullible ako at hindi ako marunong humindi sa mga hinihinging pabor ng mga tao. Nagsikap ako na baguhin an pagka-uto-uto ko. But did I change for the better?
Naging mas selfish ako, pero sabi naman ni Mommy tama lang na magtira ka parin ng pagmamahal para sa sarili mo. Sabagay, how can you give something that you don't have? Pakiramdam ko madalas akong naaabuso noon (in a way na dependent na sila sa akin masyado - sa mga material things) At unti-unti akong nag doubt sa friendships na naistablish ko noon. Parang 'friend' nalang ako kasi maluwag ako sa pera, nanlilibre ako and everything. Nalilito tuloy ako kung sino ang tunay na kaibigan.
Yun nga lang, downside din ang pagiging doubtful. Ngayon na nabuksan na ang isip ko na "The world is not as innocent as it seems" at madami nang mga tao ang nagiging "USER-friendly", I can't help but doubt everyone. Hindi na ako madaling naniniwala.
Ngayon habang nagbi-bible study, nung unang mga meetings hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga sinasabi ng handlers ko kasi feeling ko may ulterior motives sila (gaya ng pagpapasali sa akin sa church nila, etc) Ngayon chine-check ko na ang mga ine-xplain nila through the bible pero ang sobrang sama, minsan pati sa BIBLE nagdo-doubt na ako. Ang sama di ba? grabe sorry po talaga Lord. Sana matulungan Nyo po ako na panatilihin ang aking paniniwala sa credibilidad ng Bible.
Napatunayan ko na din na tama ang hinala ko, gusto nga nila ako maging part nung church pero hindi sa masamang paraan. Gusto nila na tumibay pa ang faith ko kay Jesus, at yun din naman ang gusto ko. Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin nina Mommy at Daddy pero sana makuha ko na ang courage na makipag-usap sa kanila tungkol dito soon.
Ayun. Lord sana po matulungan Ninyo ako na patuloy na maging isang believer. Sana po ma-gain ko po ang trust Ninyo at mag-tiwala din po ako sa Inyo ng ganun ka bongga. Sana po ma-differentiate ko ang mga taong user-friendly at maka-iwas po ako sa kanila- better yet, sana matulungan ko po silang magbago. Lord, lahat po ng blessings ay itinataas po namin ulit sa Inyo. Maraming maraming salamat pong muli. Amen.
wishing;
8:02 AM
Sunday, August 17, 2008
yay! sa wakas long weekend na. Sinisimulan ko na sulitin ito. nyahahah! kasi may mga appointments din na dapat puntahan kaya dapat enjoy every moment. yeah!
Anyways, ang reflection ko para sa araw na ito ay yung super na nakaka-aliw na Gospel kanina. Tungkol yun sa mga bata na gustong lumapit kay Jesus pero itinataboy ng mga disciples kasi makukulit. ^^ pero sabi ni Jesus "let them come to me, do not forbid them. For the Kingdom of Heaven is open for such as these" or something like that.
Ibinida ni Father Arre yung "Are you smarter than a 5th grader?" kasi humiliating daw para sa mga matatanda na aminin na 'better' ang mga musmos kaysa sa kanila. Oo nga naman, supposedly habang tumatanda ka, you get wiser. Maraming bagay tungkol sa mundo ang natutuklasan mo. Pero, sa kabila ng lahat ng kaalaman at responsibilidad, Jesus wants us to retain the child-like innocence that allows us to set away our pride and call out to Him.
Sa dami ng iniisip natin, karaniwan ay nai-sasantabi natin ang ating pakikipag-ugnayan sa Kanya. Aminado ako na isa ako sa mga taong ganun. Everyday, naaalala ko na kailangan kong magbasa ng Bible pero dahil na din sa time mismanagement, cri-na-cramm ko ang pagbabasa ng ibang libro at hinuhuli sa priorities ko ang Bible.
Ngayon pa naman, nasa state of confusion ako. Nasa verification stage din ako. Ayokong maniwala nalang bigla bigla at magpa-dalus-dalos sa mga desisyon sa buhay na malamang ay makaka-apekto sa direction na tatahakin ko. Ayokong magsisi, lalo na sa usaping pang-ispiritual. Alam kong urgent ang desisyon sa pagsunod kay Jesus at buo na ang isip ko na sumunod sa Kanya. pero (ayan na ang mahiwagang pero) sino ba talaga ang mga 'false prophets'? Anong religion ba ang tunay na sinasalamin ang laman ng Bibliya? (haha. na-off topic nanaman ako)
Anyways, nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap ko. Ang dami nun infairness. =) at sana masuklian ko yun sa pamamagitan ng pagsisikap na hindi maging makasalanan sa bawat sandaling ipinagkaloob Niya. Hindi po ako karapat-dapat sa grace at forgiveness Ninyo. Kaya kung saan man po ako mapadpad, sana ang lahat ay maipatupad ayon sa Inyong kalooban. Amen =)
wishing;
12:11 AM
Wednesday, August 13, 2008
2 Corinthians 7:10-11
Godly sorrow. Pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at pagkakaroon ng mahigpit na pangangailangang gumawa ng tama.
There have been a lot of instances in my life when I made the choice between wrong and right. Unfortunately, I didn't make all the 'right' and 'just' choices.
Nung grade 6 ako, nagkaroon ng isang issue sa klase namin kung saan ako yung president. Nagkaroon ng malawakang kopyahan at hindi ko ikinakaila na nag-benefit din ako duon. Ang lungkot nga e, kasi pati ang adviser namin na si Ma'am Herrera, nadmay at napaiyak. Nasabi pa nga na kapag nakarating sa administration yung "mass cheating" malamang yung buong klase namin hindi maka-graduate.
Sobrang torn ako sa sitwasyong yon. Kasi guilty ako and at the same time kailangan kong magdesisyon para sa buong klase namin. Hindi ko na maalala ang exact details pero ang alam ko nanahimik lang ako noon. Tapos napatawag sa guidance office yung classmate ko na kinuha ang paper nung seatmate niya para kopyahin. Yung karamihan kasi sa amin, maliban sa dalawa - sina Elias at Luisa (wee miss ko na sila ^^)- sinabihan/nagtanong/narinig yung sagot kaya mas "minor" daw yung offese namin compared sa ginawa ni un-named classmate.
Pero sa pag-aaral namin ng Bible, napag-alaman ko na lahat ng kasalanan, regardless of magnitude, ay kasalanan parin. Dapat naparusahan din kami. Ngayon wala na kami sa puder ng elementary school namin, kaya sa palagay ko hindi na kami pwede parusahan ng school administration pero sigurado ako, in one way or another, mararanasan din namin ang consequences ng ginawa namin, kung hindi pa namin nararanasan.
Hay. ang temptasyon ng pangongopya. Talamak din yan pati ngayong college. A big NO NO na talaga pag exam - at so far, by the grace of God, walang pangongopyang naganap ever since I started college. congrats myself! hehe. at wala akong balak na i-break yan. alam kong sa tulong ni God, kaya ko ito. =)
Isa pa, proud ako na hindi ako nangopya sa latest problem set sa 41 (hindi ko nga lang natapos T___T). Yun nga lang, nangopya parin ako sa ibang problem sets at guilty ako duon.
Sana talaga ma-tuloy tuloy ko na ang "doing problem sets indepentdently". yahoo! hehe. aja. so ayun ang isang pagbabago sa akin. medyo mahaba na ito, may iba pa sana akong ikwekwento pero next time nalang kasi uber haba na. yah. alright.
Lord, maraming maraming salamat po sa patuloy na pag-gabay sa akin sa buhay ko. Alam ko po na madalas ko Kayong nasasaktan sa mga ginagawa kong kasalanan, sa mga bagay na hindi ko nagagawa at sa mga bagay na hindi ko parin binabago. Humihingi po ako ng tawad. Sana lalo po akong mapalapit sa Inyo at mai-tama ko ang mga bagay-bagay sa aking buhay alang-alang sa katuparan ng Inyong mga utos. Maraming salamat po muli. Amen.
wishing;
11:35 PM