Friday, May 19, 2006

Ang post na ito ay dahil sa isang episode ng Moms sa Qtv 11 na tungkol sa mga tinaguriang "hunky papas". Hindi ko matandaan ang mga pangalan ng apat na guest kaya hindi ko na babangitin ang mga ito. Kung sakaling napanood ninyo ang episode na ito, at napansin ninyong may mga maling impormasyon, ikalulugod ko ang inyong pagpuna. Maaari lamang ipagbigay alam sa akin ang inyong mga saloobin sa tagboard. At ang napakahaba at walang kwentang introduction na ito ay ituring mo nalang bilang isang disclaimer.
Nung isang araw, pagka-uwi ko sa bahay, dali-dali kong binuksan ang TV para manood ng Kaleido Star. Sa kasamaang palad, hindi ko na yun inabutan at sa halip ay Moms nalang ang pinanood ko. Apat na lalake ang iniinterview ng tatlong host - at sakto, sa aking panonood, ay nagsimula na silang mag-tanong muli. Sabihin na nating hindi ako masyadong nasiyahan sa sagot ng apat kaya napag-pasyahan kong sumunod sa kultura ng mga RPG. Ano kaya kung ako ay nandoon? Ano ang isasagot ko?
Host: Which do you prefer: a. virgin, b. may experience o c. mas madaming experience kesa sa inyo?"B or C. Kasi yung virgin, one time lang yun eh.."vir.gin n. A person who has not experienced sexual intercourse. Therefore, it crosses out the possibility that "virgin" is pertaining to "lack of experience in a relationship" (nalito kasi yung isang guest kung anung klaseng virgin daw yung tinutukoy).
Honestly speaking, letter a would be my choice. First of all, medically speaking, choosing an unexperienced partner would significantly reduce the risk of being infected by STDs.
(hehe)
A person who is able to retain his virginity is viewed as conservative and well-reserved. It also implies that he has a considerable amount of self-control and highly values the sacrament of union. Of course, this is how I see untouched bachelors/bachelorettes these days.
If you value him highly, why would you care about his bedroom abilities?
"I treat [my virginity] as the only real gift I could give to my wife to be." -Jigs ng Twenty Questions ni Juan Ekis.
Host: Alin ang pipiliin mo: a. Maganda pero certified bobo or b. certified matalino pero pangit? (uh-hu. the ultimate question)
[kung ibabase sa mga sagot nila ang opinyon ng mga kabataang lalake ngayon, ang ibig sabihin - tatlo sa bawat apat na Pilipino ang pipili ng letrang a.]
"Nung nasa model search ako, ang sabi sa akin, mas madali i-improve yung sa brain kesa yung sa physical."
Beauty is a major qualification for entering the showbiz industry. THAT is a MODEL search. So, choosing the prettier over the wittier IS justifiable.
However, in the real world, especially if you are going to settle down, looks alone wouldn't help you. Yes, some things can be taught - but there are a lot of tough desicions in life coming your way. The best solutions would only come out if you have the intellect and a lot of common sense. Tell me, how would you perform brainstorming with your wife if she has no brain? (figuratively of course)
Host: Kung kunwari may isa kang good friend na never been touched or never had a boyfriend at naki-usap siya para sa isang one-night-stand, then she'll be out of your life. Sinabi din nya sa iyo na magpapakamatay siya kapag hindi mo siya pinagbigyan. What would you do?
"Serously, baka mapagbigyan ko pa siya."
"Ipa-pasa load ko - 'not me, but I have a friend'."
Son of a tofu!!! You're just causing more emotional damage to the girl! Just think of how the aftermath would affect her! Come on people, think! If she truly is your friend then you would boost her self-confidence instead! (kagaya nung sinabi nung isang kasama mo)
PASA-LOAD?! what the-!! Anung akala mo dun sa babae, cellphone?!?!
==
Actually, mahaba pa yung usapan nila e pero nawalan na ako ng interes. At saka masyado nang mahaba itong post ko. hehe. Pero sabagay, opinyon nila yun, at opinyon ko ito, wala tayong magagawa kasi magkakaiba tayo.
~Got your own kind of style
That sets you apart
I know sometimes you feel
Like you don't fit in~
wishing;
2:55 PM
Monday, May 01, 2006

May diary ka ba?
Ilang beses ko nang sinubukang mag-tago at regular na magsulat sa isang diary. Pero kadalasan, nakakalimutan ko na itong gawin o kaya naman ay nawawala ang aking momentum sa pagsulat at tinatamad ako. Sa kabutihang palad, bago mangyari ang mga ito, nakakapag sulat ako ng hanggang tatlong linggo. At sapat na yun para mabalikan ko ang mga pangyayari sa aking buhay.
Ang pinaka-matagal kong diary ay umabot ng halos dalawang buwan. Ito ay habang nasa huling taon ako ng elementarya. Pinangalanan ko pa nga syang "ViVi".
Sinimulan ko ang pagsusulat kay Vivi dahil na rin sa panghihimok ng isang kaibigan. Sinasabi niya na masaya magbasa nito at balikan ang mga nakakatuwang pangyayari sa buhay mo na alam mo na malilimutan mo paglipas ng panahon.
Ako ay isang tao na talagang mahirap umalala ng mga mukha at pangalan. Kung isa kang estranghero, kailangan ko ng isang buong linggo upang maitatak sa isip ko ang pangalan mo.
Ganon ako kalala.
Inaamin ko na hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng mga kaklase ko nung grade 5 pababa. At malaki ang pasasalamat ko kay Vivi at ipinapaalala niya sa akin ang ilan sa kanila.
Tunay nga na nakaka-aliw magbasa ng mga lumang isinulat. Nalaman ko na sobrang hindi ako pasaway noon (di kagaya ngayon). At kung anu-ano pa na tungkol sa aking sarili.Sobrang laki pala ng ipinag-bago ko mula noong nasa elementarya ako. Tumangkad, tumaba, tumanda, tumalino? - o cge naging wiser nalang para safe-, nag-mature ang utak, bumigat, at naging mas mature.
Pero kahit anong pagbabago pa ang mangyari, ako parin ay ako at mananatiling ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. At sana, nagbabago ako for the better.
~I need to know that you will always be
The same old someone that I knew
What will it take till you believe in me
The way that I believe in you~
wishing;
12:44 PM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.