Monday, May 01, 2006

May diary ka ba?
Ilang beses ko nang sinubukang mag-tago at regular na magsulat sa isang diary. Pero kadalasan, nakakalimutan ko na itong gawin o kaya naman ay nawawala ang aking momentum sa pagsulat at tinatamad ako. Sa kabutihang palad, bago mangyari ang mga ito, nakakapag sulat ako ng hanggang tatlong linggo. At sapat na yun para mabalikan ko ang mga pangyayari sa aking buhay.
Ang pinaka-matagal kong diary ay umabot ng halos dalawang buwan. Ito ay habang nasa huling taon ako ng elementarya. Pinangalanan ko pa nga syang "ViVi".
Sinimulan ko ang pagsusulat kay Vivi dahil na rin sa panghihimok ng isang kaibigan. Sinasabi niya na masaya magbasa nito at balikan ang mga nakakatuwang pangyayari sa buhay mo na alam mo na malilimutan mo paglipas ng panahon.
Ako ay isang tao na talagang mahirap umalala ng mga mukha at pangalan. Kung isa kang estranghero, kailangan ko ng isang buong linggo upang maitatak sa isip ko ang pangalan mo.
Ganon ako kalala.
Inaamin ko na hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng mga kaklase ko nung grade 5 pababa. At malaki ang pasasalamat ko kay Vivi at ipinapaalala niya sa akin ang ilan sa kanila.
Tunay nga na nakaka-aliw magbasa ng mga lumang isinulat. Nalaman ko na sobrang hindi ako pasaway noon (di kagaya ngayon). At kung anu-ano pa na tungkol sa aking sarili.Sobrang laki pala ng ipinag-bago ko mula noong nasa elementarya ako. Tumangkad, tumaba, tumanda,
tumalino? - o cge naging wiser nalang para safe-, nag-mature ang utak, bumigat, at naging mas mature.
Pero kahit anong pagbabago pa ang mangyari, ako parin ay ako at mananatiling ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. At sana, nagbabago ako for the better.
~I need to know that you will always be
The same old someone that I knew
What will it take till you believe in me
The way that I believe in you~
wishing;
12:44 PM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.