Wednesday, April 19, 2006

Dati, nung huling taon ko sa elementarya, lagi akong nababagabag ng pakiramdam na katapusan na ng mundo ko kapag nawalay na ako sa mga kaibigan at sa pinakamamahal na eskwelahan.
Hindi naman pala.
Pero bakit hanggang ngayon, kahit naka-martsa na ako at lahat, hindi ko parin nararamdaman ang parehong pakiramdam? - Kahit alam ko na mas minahal ko ang mga taong sumagi sa buhay ko sa kisay?
Habang nakaupo ako sa mga upuang dinamitan ng puti at asul na tela, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko.
Tuwa? para sa buong batch na nakalabas nang buhay sa alma matter dear and beloved; para sa mga magulang na nabigyan ng napakagandang regalo ng pagtatapos.
Lungkot? para sa mga kaibigang baka hindi makita sa loob ng mahabang panahon.
Inis? para sa principal na nagkamali pa sa bilang ng graduates matapos yun ulit-ulitin nang ilang libong beses; para sa mga pulitikong namumulitika at nagpapatulog sa haba ng speech na hindi naman maintindihan.
Takot? para sa nakangiting graduation picture ko pagbukas ng lalagyan ng diploma.
Siguro dahil alam ko na magkikita-kita parin tayo.
Siguro dahil alam ko na walang iwanan ito.
Siguro dahil alam ko na madaming paraan para makausap kayong muli.
Siguro dahil kahit magkakahiwalay na tayo, nandito kayo sa puso ko.
Ang drama no? wahehe.
Magkikita pa tayo. Sigurado yan.
Ang bawat pagtatapos ay isang bagong pagsisimula.
Kung ganon, mayroon ba talagang katapusan?
Ang buhay ay isang walang hanggang paglalakbay.
May dulo ba ang walang hanggan?
Heaven knows.
~I'll be there when the world stops turningI'll be there when the storm is throughIn the end I wanna be standingAt the beginning with you~
wishing;
10:38 PM
Saturday, April 15, 2006

Noon pa man ay nahuhumaling na ako sa mga 'hula' o sa kung anu mang bagay na nakakapag-
predict ng hinaharap. Mula sa
tarot cards hanggang sa bolang krystal - naroon talaga ang pagnanais ko na masilip kung ano ang naghihintay sa akin pag tanda ko; kung ano ang talagang linya ko sa buhay.
Pinaplano na nating mga tao ang ating buhay mula pagkabata - gaya ng kukuning kurso sa kolehiyo, papasukang unibersidad, maaaring maging trabaho, at mga bansang maaaring puntahan. Naka-mapa na ito para sa iba sa atin. Pero kahit may outline na ang ating paglalakbay, sigurado ba tayo na doon nga tayo makakarating?
Kung 'yan ang para sa iyo, 'yan ang mapupunta sa iyo.
Madalas na pinag-tatalunan ang isyu ng
free will at
destiny. Tunay nga namang nakakapagpabagabag kung ano ang lehitimong nagpapatakbo ng buhay nating lahat.
Para sa akin, tayo ay binigyan ng Diyos ng
free will upang mamili ng daang tatahakin sa buhay kung saan ay naghihintay ang ating
destiny o ang lugar na nakalaan para lang sa atin.
Nakaka-wating ba?
Kahit ako ay nahihilo din dyan. Pero patuloy tayong makaka-agapay sa buhay basta tayo ay nananalig sa Kanya.
Ang Diyos ang umpisa at ang katapusan. Siya lang ang nakaka-unawa ng lahat.
~You, you were my destinyI was planning for eternityBut something came And took you away from me~
wishing;
10:05 PM