Tuesday, December 20, 2005

Ang pasko ay para sa pamilya. Walang duda 'yan. Ang mga Pilipino, kapag nag diwang ng pasko, kahit walang noche buena, basta kasama ang pamilya - ok na.
Kaya nga mayroong mga reunion/Christmas party na nagaganap.
Ang mga pangyayaring ganito ay nakakapag-bigay ng bagong pag-asa, para sa akin. ang mga Christmas party ay nagpapaalala ng mga taong nandyan para sa iyo; mga taong handang magbigay ng regalo kahit na sobrang hirap ng buhay ngayon; mga taong naniniwala parin na "it is better to give than to recieve".
Ang bawat pagsasama-sama ay may magkakahalong saya, ligaya, tawanan, iyakan, tuksuhan, luha, pawis, dugo, uhog, sipon -ehem- at pagkakaisa.
Sa mga Christmas party nakukuha ang mga mahahalagang ala-ala na hindi mo bibitawan kailan man. Kahit pa naka-kilala ka na ng mga bagong kaibigan, kahit ilang buwan nalang ay maaaring hindi mo na sila uli makita, kahit ang ibang ala-ala ay malungkot, o kahit may tampuhan man.
Dahil ang mga tao sa memorya mo ay ka-pamilya ah- este- kapuso.
Nagpapasalamat ako dahil nandyan kayo lagi, kahit na nagkalat kayo sa bahay namin. XD
C2 solid!
~Come what may,come what mayI will love youuntil my dying day~
wishing;
4:47 PM
ayan, due to insistent public demand and numerous doubts I have decided to change the skin of my blog.
grabeh. dami sa inyong hindi makapaniwala na ako 'to eh. kaya - ayan! isang blog skin na hindi na masyadong gurlaloo. ok na ba?
welcome sa bagong "look" ng blog ko.
muling nagbabalik ang:
May pasok ba bukas?
ang paboritong taong ng mga estudyante kapag may bagyo, baha, SONA, coup d' etat, special national holiday kuno, rally, nakapulang numero sa kalendaryo.
Sana ay masiyahan kayo sa aking munting blog. At saka ngapala pa-TAG pag napadaan kayo. Salamat!
~In this imperfect world,
there is no single principle that may explain everything;
not even the principle of equivalent trade~
wishing;
4:27 PM
Sunday, December 04, 2005

*yung lalaki sa pic sa taas ay si Miroku (mula sa anime na Inu Yasha). maniwala ka man o hinde. nyahahha. (disclaimer: ang pic na iyan ay kinuha ko mula sa isang site na hindi ko na maalala.)
notes lang.
haha ngayon ko lang napansin, sobrang haba pala ng mga entry ko dito. nyak! mga essay. haha.
pero sa totoo lang. ang mga ideya ay nagmula sa pang-araw-araw na pangyayari sa mga buhay-buhay.
masaya kasi
medyo ayos na yung part ng mga alto pipol sa carol fest. masaya kasi tapos na ang test sa DOST. masaya kasi nag-update na yung mga author sa fictionpress. masaya kasi lapit na mag-pasko. masaya kasi tapos na ang long test sa math at masaya kasi irrugular ang classes next week.
aheheh
excited na akong gumawa ng script para sa impersonation sa Pinoi, pero wala namang pumapasok na idea sa isip ko. wahaha.
cge cge
sa susunod nalang uli.
wishing;
6:39 PM