Thursday, November 03, 2005

May tatlong emosyon lang na nakakakapagpa-iyak sa akin.
Isa na ang kasiyahan. Gaya ng sinasabi ng pangalan nitong "tears of joy", ito ay nangyayari lang sa akin kung may nag-sabi ng isang joke na talaga namang bentang-benta sa akin na napapaluha na ako sa katatawa. May mga pagkakataon din naman na napapa-iyak ako sa tuwa dahil ang isang bagay na sinubukan ko at pinag-hirapan ay hindi inaasahang magbibigay sa akin o sa mga mahal ko sa buhay ng tagumpay.
Ang ikalawa ay takot. Hindi man ako natatakot sa ipis o daga, napakarami ko namang ibang takot. Inaamin ko na takot akong mamatay. Takot din ako maiwan sa mundo na nag-iisa. Pero sa ngayon, ang pinakakinakatakutan ko talaga ay ang pagkakawatak-watak ng aking pamilya. Oo, gasgas na yan at corny pero hindi ko talaga maisip, at ayokong isipin, kung ano ang magiging buhay ko kapag nagkahiwa-hiwalay ang pamilya ko dahil sa isang aksidente, o isang pangyayaring di-kanais-nais o kaya naman ay isang problemang hindi maresolba.
Ang pinaka-huli, at ang pinaka-madalas na dahilan ng pag-iyak ko ay inis. Inis sa sarili ko dahil sa sobrang makakalimutin ko. Inis dahil wala akong magawa upang makatulong. Inis sa ibang tao na walang pakiramdam sa paligid. Inis sa mga taong hindi manlang isipin na naghihrap na ang mga nasapaligid nila. Inis sa mga bulok na sistema. Inis sa mga walang kakwenta-kwentang pangangatwiran. Inis sa mga mapagsamantala. Inis sa mga mapanghusga. At minsan, inis sa sangkatauhan.
Nakaka-asar talaga kapag ang isang bagay na pinaghirapan mo, pinagbuhusan mo ng pawis, panahon, pag-iisip, sa puntong kinukurot-kurot mo pa ang sarili mo upang manatiling gising at tapusin iyon, binubulungan mo na ang sarili mo na "Kaya mo yan! Malapit ka na!", halos maubos mo na ang kape ninyo sa bahay, masakit na ang puwet mo sa kaka-upo, malapit ka nang magka-bukol dahil sa paulit-ulit na pagkaka-untog sa mesa dahil sa antok, ay mababalewala lang dahil sa kapabayaan ng isang tao.
Dahil lang ang isang taong 'yon ay hindi isina-puso ang responsibilidad na ipinataw sa kanya ay lahat-lahat ng paghihirap mo, mahigit limang oras ng buhay mo (na dapat ay itinulog mo nalang), isang bote ng instant coffee sa kusina mo, lahat 'yun - isama mo na yung kuryente, tubig at enerhiyang kinailangan mo para tapusin ang dapat mong gawin.
Nakaka-inis, hindi ba? Sobrang nakaka-inis kaya nakakaluha na.
~I tried so hardAnd got so farBut in the endIt doesn't even matter~
wishing;
11:08 PM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.