Friday, September 23, 2005
Kanina ay pinagawa kami ng aming guro sa English ng isang collage. Tinanong ko kung ano ang tema. Ang sabi nya hope daw. Napa-isip ako, hope? isang abstraktong ideya na maaaring ilarawan gamit ang iba't-ibang bagay. Sayang nga lang at hindi daw pwedeng maglagay ng larawan ng "Hope: international cigarette".
Hope o pag-asa ay sinasabing mahirap panatilihin sa isang tao. Ayon sa iba, ang pag-asa ay madaling mawala dahil sa takot na ma-"disappoint".
Sa palagay ko, iba ang salitang pag-asa (hope) sa pagasa (expecting). Ang pagasa ay isang pakiramdam na may isa kang linyang gustong-gusto mong maabot o isang sitwasyon na gusto mong mangyari at sa palagay mo ay makakamit mo na yon. Para sa akin, ang pagasa ay dapat lang babaan o mawala nang tuluyan (na, inaamin ko, ay mahirap) para ang tagumpay ay mas matamis at ang kasawian ay mas madaling tanggapin.
Sa kabilang banda ang pag-asa ay hindi dapat talikuran. Habang may buhay ay may pag-asa, ika nga nila. Ang pag-asa ay paniniwalang kaya mong abutin ang minimithing "linya", ang hindi pagsuko sa harap ng mga nakakamatay na pagsubok. Kung may matindi kang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos, sa tingin ko ay hindi ka mawawalan ng pag-asa.
Kung ako ang tatanungin, isang mabigat na salita ang pag-asa. Pero hangga't nandito tayo sa mundo sa tingin ko ay marami pa tayong magagawa.
Kaya natin 'to!
-Itay, tignan mo ang mga ibon
Lumilipad sila sa himpapawid
Tinatamasa ang kanilang kalayaan-
wishing;
8:26 PM
About Me
The Works
sigatures and icons made by me: P H O T O B U C K E T!!!
Me, myself and I
I am a mage from the planet Cephiro destined to beat Bill Gates and his intelligent house after 15 years. I came here to grace you with my hypnotic presence and to warn you of my plan to dominate the world. I'll make sure that every woman in the military, in the near future, wears a mini-skirt. Oh, and I would never forget, my beloved fellow xientians to automate Quesci.
However, I will do it after I have finished building a cable car that connects DEEE to the College of Engineering.
//~dream sequence ends~//
"Posturang Postura Kahit walang laman ang Bulsa"
-isang linya mula sa Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz
Kilala nyo ba ako? Take this quiz to see!
My Online Johari Window: Describe me using 5 or 6 words: here!
Likes
anime, fanfiction, original fiction, books, airplanes, animals in the wild, nature in general, law novels, nice character development, country, games, computers, fridge, food, food, food and above all God.
Loathes
YOU!! joke! insensitive people who just go their way not caring if they hurt others.
The Wishlist
SM, Glorietta, PAL, Tokyo Disneyland, money, ice cream, food, food and food again. Oh and don't forget world peace.